Walang Alinlangan

Paano bang hindi maiinlove sa'yo
Ngiti mo pa lang ay nakuha na ako
Mula sa'yong mata hanggang sa'yong pagsalita
Mga detalyeng 'di na mahahanap sa iba

'Di ko naman inaasahan ito, oh
Na ako'y mababaliw kakahabol sa'yo

Kung ang umibig ay isang kasalanan
Handa akong magkamali
Ang ibigin ka'y walang alinlangan
Manliligaw kahit hating gabi
Para sa'yo
Hinding hinding-hindi magbabago
Oh, pangako
Sana ikaw na nga ang panghabangbuhay ko

Maghapon nakababad sa telepono
Mistulang mga batang may sariling mundo
Parang kalawakan na walang hanggan
Pag-ibig ko sa'yo ay walang katapusan

'Di ko naman hinihingi lahat sa iyo, oh
Basta't sa'yong pagmamahal
Ayos na ako

Kung ang umibig ay isang kasalanan
Handa akong magkamali
Ang ibigin ka'y walang alinlangan
Manliligaw kahit hating gabi
Para sa'yo
Hinding hinding-hindi magbabago
Oh, pangako
Sana ikaw na nga ang panghabangbuhay ko

Pag-gising sa umaga
Ikaw ang nasa isip
Hanggang pagtulog sa gabi
Ikaw ang panaginip
Ang tangi kong hiling
Ay makasama ka palagi
Ipaglaban na ang pag-ibig na 'to

Kung ang umibig ay isang kasalanan
Handa akong magkamali
Ang ibigin ka'y walang alinlangan
Manliligaw kahit hating gabi
Para sa'yo
Hinding hinding-hindi magbabago
Oh, pangako
Sana ikaw na nga
Ikaw na ikaw na nga
Sana ikaw na nga ang panghabangbuhay ko



Credits
Writer(s): Migz Haleco, Saskia Sacro
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link