Hardin - Radio Edit

Ano ang wika ng nananabik?
Ng pusong umiiyak at nauuhaw
Nasaan ang sinag ng mapanglaw?
Nakatanim na larawan ng
Pag-ibig na sumisigaw

Sa bakuran ng aking isip
Nakatanim ang ating pag-ibig
Nakasilong ang ngiti
Ng ligayang nakakasilaw

Hindi makalipad
At basa ng ulan
Ang pagtingin sa 'yo'y
Nasa likod ng buwan

Sa ating hardin
Kung saan tayo'y malayang
Malayang sumayaw
At sambitin ang pagtingin
Dito sa ating hardin
Tayo'y malaya dito sa ating hardin

Kung saan ika'y malaya
Malaya kong yayakapin
Dito sa ating hardin
Ika'y malayang mamahalin

Sa ating hardin
Kung saan tayo'y malayang
Malayang sumayaw
At sambitin ang pagtingin
Dito sa ating hardin
Tayo'y malaya dito sa ating hardin



Credits
Writer(s): Jonathan Manalo, Jericho Rosales
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link