Ito Ang Pag-Ibig

Ano nga ba ang pag-ibig
Ito ba'y isang panaginip
O isang awiting paulit-ulit
Maghapong nasa isip
Ito ba'y tibok nitong puso
Damdaming ayaw sumuko
O ito'y isang tingin
Na 'di kayang limutin

Napagtanto na ang pag-ibig
Ay hindi isang laro
O isang damdaming inaakalang 'di maglalaho
Ang lahat pala'y nahuhubog
Sa apoy ng panahon
Kung sa Diyos, ating ihahandog
Pag-ibig maglalaon

Ito ang pag-ibig, alay ng langit
Ang mahalin ka, paglingkuran ka
Hirap at ginhawa, lungkot at saya
'Di mag-iisa, may karamay ka
Ating sasariwain sa tuwing mananalangin
Pangako'y di lilimutin ang pagmamahal
Na sa Kanya nanggaling

Asahan mo, aking hirang
Pag-ibig ko'y sa'yo lamang
Pangako ko'y magpapasakop nang lubos
Gayundin sa ating Diyos

Ito ang pag-ibig, alay ng langit
Ang mahalin ka, paglingkuran ka
Hirap at ginhawa, lungkot at saya
'Di mag-iisa, may karamay ka
Ating sasariwain sa tuwing mananalangin
Pangako'y di lilimutin ang pagmamahal
Na sa Kanya nanggaling

Matiyaga, magandang loob
Walang pagkainggit
Mapagkumbaba, marahan
At 'di makasarili o magagalitin
Mapagpatawad, mapagtiwala
Puno ng pag-asa
Galak ay katotohanan
Mapagtiis hanggang wakas

Ito ang pag-ibig
Ito ang pag-ibig
Ito ang pag-ibig
Ito ang pag-ibig



Credits
Writer(s): Ime Macasaet, Jean Pagalan, Psalmer Pagalan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link