Hiling

Hindi mo ba naririnig?
Hindi ka ba nakikinig?
Pumapatak, umuulan, kumakatok, sinusundan
Hindi sapat, nagkulang ba? Sa piling ko'y wala ka na

Isang sulyap sa 'yo'y napapawi ang lungkot

Hindi ko hahayaang mawala ang kilig
Kahit aminin mo pa sa akin
Magbibingi-bingihan na lang
Na parang walang naririnig

Kinukurot, baka sakaling magising
Kumikirot, nagdurugo sa pagkahumaling
Susubukan nang kumawala sa iyong mga kadena
Nang malaman na may iba ka ng mundong ginagalawan

Ngunit isang sulyap sa 'yo'y napapawi ang lungkot
Sa ingay ng tibok, tumatahimik ang gulo

Hindi ko hahayaang mawala ang kilig
Kahit aminin mo pa sa akin
Magbibingi-bingihan na lang
Na parang walang naririnig
Ako'y nasanay nang lumaban na mag-isa
Kahit ano pa ang sabihin ay ikaw lang ang hiling

Kung maibabalik ko lang
Kung maibabalik ko lang

Hindi ko hahayaang mawala ang kilig
Kahit aminin mo pa sa akin
Magbibingi-bingihan na lang
Na parang walang naririnig
Ako'y nasanay nang lumaban na mag-isa
Kahit ano pa ang sabihin ay ikaw lang ang...

Kung maibabalik ko lang (kung maibabalik ko lang)
Sana'y iyong dinggin ang pusong humihiling
Kung maibabalik ko lang sa una
Hangad ang 'yong ngiti kaya't ika'y papalayain



Credits
Writer(s): Anthony Carpio
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link