Tanggap ko Na

Batid ko na sa 'yong mga mata
Ang taglamig, init ay nawaglit
Marahil nga dito magwawakas
Ang mga taong nilaan lamang sa 'yo

'Di malaman ang dahilan kung bakit tayo
Humantong sa dulo ng ating pagsuyo
Ang pait ay di maiwawaglit kahit sa isang saglit
Puso'y tila manhid

Tanggap ko ba kung mag-isa?
'Di ko mapigil na ang mga luha na bumabaha
Wala na bang makakapagsalba
Sa ating dalawa tanggap ko ba?

Alam ko na kung 'di na kaya
Ang magtiis at maghinagpis
Dahil sa'yo ako'y natutong maghintay
Manhirin ang lumbay

Kay tagal din ng pinagsamahan natin
Pinilit na unawain ang loobin
Ngunit kahit na anong gawin
Hindi na magtugma ating damdamin

Tanggap ko ba kung mag-isa?
'Di ko mapigil na ang mga luha na bumabaha
Wala na bang makakapagsalba
Sa ating dalawa

Sana'y panaginip lamang
Pagmulat ay nandyan ka pa
Ngunit ang katotohanan
Ay aking pilit tatanggapin
Dahil 'di ka para sa 'kin

Tanggap ko ba kung mag-isa?
'Di ko mapigil na ang mga luha na bumabaha
Wala na bang makakapagsalba
Sa ating dalawa
Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh, ooh-ooh
Tanggap ko na



Credits
Writer(s): Jimmy Antiporda
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link