Hiling

Sa huli pang pag-kakataon bago ibaon
Mga ala-ala ng ating kahapon
Minsan pa iyong yakapin
Init ng dating himig, damhin

Hiling...
Ng puso ko'y muli sanang
Dinggin...
Kahit hindi na totoo
At iiwanan na ako

Nakikita sa iyong mata, hindi na masaya
Wala na ang dating sigla sa iyong tawa
Di hinihingi na manatili
Nais lang ikaw ay mahagkan pang muli

Kahit alam nating wala na nga
Sana'y mapagbigyan ng minsan pa itong...

Hiling...
Ng puso ko'y muli sanang
Dinggin...
Kahit hindi na totoo

Saglit...
Mayakap ka ng minsan pa
Muli...
Sana ay masabi pa
Pag-ibig ay hindi magbabago

Magti-tiis sa nakaw na saglit
Sinungaling mang halik di iisipin ang pait
Pikit-matang tatanggapin ko ang sakit
Makapiling lamang sa huling saglit

Kahit...
Niloloko ang sarili ay
Hindi...
Magsisi pagkat ito ang...

Hiling...
Ng puso ko'y muli sanang
Dinggin...
Kahit hindi na totoo

Saglit...
Mayakap ka ng minsan pa
Muli...
Sana ay masabi pa
Kahit pa iwanan na
Pag-ibig ay hindi magbabago

Sana ay masabi pa
Kahit pa iwanan na
Pag-ibig ay hindi magbabago



Credits
Writer(s): Kim Rivera
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link