Ibon

Ako'y isang ibong nais lumipad
Sumabay sa hangin, saan man mapadpad
Sa lawak ng dagat, doo'y maglayag
Lumutang kasabay ng ulap

Subalit binihag, ginapos ng isang
Isipang sarado't walang layang lumipad
Sa puso ng kagubata'y nais magbalik
Hugasan ang sugatang mga kamay

Ako'y isang ibong putol ang pakpak
Hayaang dalhin ng mga pangarap
Sa liwanag ng paraisong nais marating
Sa pugad ko'y babalik din

Ako'y isang talang nagniningning
Sa kalagitnaan ng kagubatang madilim
Kung kaya mo, kaya kong kumawala sa gapos
At suungin ang gabing madilim
Ooh...

At nang binuksan ang kulungang masikip
Binawi ang susi at tinapon sa himpapawid
Kasama ang mga ibong lumipad
Sa ilalim ng mga bituin
Ooh...

Napawi ang lungkot at tuluyang tinupad
And mga mithiin ng diwa't damdamin
Mata'y nakatitig sa kulay ng langit
At lumutang sa himpapawid

Ako'y isang talang nagniningning
Sa kalagitnaan ng kagubatang madilim
Kung kaya mo, kaya kong kumawala sa gapos
At suungin ang gabing madilim
Ooh...



Credits
Writer(s): Nicole Abuda
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link