Sa Iyo Lang Talaga

Bakit ka ba nagdududa
Ang pag-ibig ko ay tunay sinta
'Di mo ba nararamdaman

Buhay ko ay laan talaga

Sa iyo ko lang naranasan
Ang tamis ng isang pagmamahal
Kaylanman ako'y 'di magbabago
Sa iyo lang talaga ako

Bakit nung una tayong magkita
Sabi mo sa akin, ika'y nadala
Ngunit ngayon ay nagbago ka
Wala ka yatang tiwala sinta

Sa iyo ko lang naranasan
Ang tamis ng isang pagmamahal
Kaylanman ako'y 'di magbabago
Sa iyo lang talaga ako



Credits
Writer(s): Gino Inocentes
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link