Kaya Pala

'Di makatulog sa gabi
Dahil nagugulo ang isip
Umiiyak na lang palagi
Nagtatanong sagot sa
Bakit ka iniwan at sinaktan
Nagmahal ka lang naman

Tahan na
'Di ka ba napapagod
Sa kakaisip?
Sa kakatanong kung bakit

Kasi naman
Darating rin ang panahon na
'Di ka na magtatanong pa
'Pag nakatingin ka na

Sa mga mata ng taong
Tunay na magmamahal sa 'yo
Masasabi mo na lang sa sarili mo
Kaya pala, kaya naman pala

Ilang buwan nang nakalipas
'Di pa rin makalimutan
Umaasang babalik s'ya
Pero para sa'n pa ba?

Kaya, tahan na
'Di ka ba napapagod
Sa kakaisip?
Sa kakatanong kung bakit

Kasi naman
Darating rin ang panahon na
'Di ka na magtatanong pa
'Pag nakatingin ka na

Sa mga mata ng taong
Tunay na magmamahal sa 'yo
Masasabi mo na lang sa sarili mo
Kaya pala, kaya naman pala

Pinagmamasdan kang
Unti-unting pinupunasan mga luhang
Tumulo dahil sa kanya
Pero tahan na

Kasi naman
Ito na ang panahon na
'Di ka na magtatanong pa
Tumingin sa 'king mga mata

Ang tunay na magmamahal sa 'yo
Masasabi mo na sa sarili mo
'Di mo na kailangan magtanong
'Di mo na kailangan umiyak

Kaya pala nagkagano'n
Kaya pala ako nasaktan noon
Kaya pala, kaya naman pala
Kaya pala, kaya naman pala



Credits
Writer(s): Patricia Quiwa
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link