Polaris

Kung kaya kang abutin ay pipilitin (pipilitin)
Liliparin 'tungo sa berde na hangin (sa berde na hangin)
Malaki ang agwat, 'di man abot ng lambat
Sa kalawakan ng ating isip ay maghahangad

Huwag mo nang tanungin pa kung bakit silaw sa liwanag mo
Sa dinami-dami ng tala sa langit ay ikaw ang napili ko
'Yan ang totoo, mismo
Kahit pa sino'ng magpapukaw, ikaw lang ang pipiliin ko

Iba (iba), oh, iba (o iba)
Ang aking nadarama kapag kapiling ka
Iba (iba), oh, iba (o iba)
Napapatula at binibilang ang

Aking mga dalangin
Sana ay 'yong pakinggan
Ang panalangin ko'y
Mapasa'yo lang

Ano mang direksyon, kahit sa'n man tayo mapunta
Basta't kasama ka ay para bang walang problema
Mag-aabang kahit mailap man o magalit
'Di hahayaang masungkit ang talang nang-aakit

Maraming nakatingala, nagmamasid
Ngunit iisang kislap lang ang bumabalik
Ang halik na galing sa diwata
No'ng tinimpla ng tiga-Abra 'yong gayuma
'Di ko maipaliwanag ang misteryo nating dalawa't
Pag-ibig mong kakaiba

Iba (iba), oh, iba (o iba)
Ang aking nadarama kapag kapiling ka
Iba (iba), oh, iba (o iba)
Napapatula at binibilang ang

Aking mga dalangin
Sana ay 'yong pakinggan
Ang panalangin ko'y (ang panalangin ko'y)
Mapasa'yo lang (mapasa'yo lang)

Tatlong taong may handog at nasa puting kabayo
Tinahak ang daan galing kabilang ibayo
Sinundan ang liwanag sa taas at dumayo
Saksihan ang sugo na nagkatawang tao

Bakit parang ang labo-labo na?
'Di na matanaw at maipinta
Kahit man gano'n ay pilit na
Hahanapin ka

Aking mga dalangin
Sana ay 'yong pakinggan
Ang panalangin ko'y
Mapasa'yo lang ('di kita sasaktan)

Ang bituin ay akin, ikaw lang ang polaris ko
Oh, yeah, yeah, yeah (oh, yeah, yeah, yeah)
Sa'n mang kalawakan ay siyang hahanapin ko
Oh, yeah, yeah, yeah (oh, yeah, yeah, yeah)

Ang bituin ay akin, ikaw lang ang polaris ko
Oh, yeah, yeah, yeah (oh, yeah, yeah, yeah)
Sa'n mang kalawakan ay siyang hahanapin ko



Credits
Writer(s): Emmanuel Sambayan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link