Alab Ng Puso (Trailer Edit)

Ika'y matutumba, ika'y masasawi
Mabibilangan ka ngunit babangon kang muli
Walang maniniwala, walang makikinig
Wala na raw pag-asa'ng daigdig mong tagilid
Padadala ka ba sa agos o hindi?

Patay na kung patay, magka-alaman lang
Lahat ibibigay dahil wala na 'tong atrasan
Pag-itingan ng puso ang labanan

Lumuha ka kung hindi mo mapigilan ang tuwa
Matagal kang naghintay, kaibigan, umawit ka
Paabutin mo sa langit ang tamis ng sandaling ibinigay

Tagumpay
Tagumpay
Alab ng puso, kailanma'y hindi sumuko
Tagumpay
Tagumpay

Tagumpay
Tagumpay
Alab ng puso, kailanma'y hindi sumuko
Tagumpay
Tagumpay



Credits
Writer(s): Rico Blanco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link