Pangako

Kung may tanging hiling, sana 'di nagising
Sa umagang kay dilim
Sayang ang pinagsamahan, 'di alam kung malilimutan
Sugat ay kay lalim

Naniniwala pa
Na tayo'y liligaya basta

Pangako mo, ako'y ilalayo
Sa delubyong naranasan nitong pagod na puso
Pangako mo, iingatan ako
Isusulat panibagong yugto sa ating kuwento

Sana 'di mabigo, tuparin ang 'yong pangako
Sugat, maghihilom rin
Nadinig ba 'king hiling? Bukas, ako'y magigising
Sa liwanag ng ating pag-ibig

Naniniwala pa
Mapagwawagian nating dal'wa basta

Pangako mo, ako'y ilalayo
Sa delubyong naranasan nitong pagod na puso
Pangako mo, iingatan ako
Isusulat panibagong yugto sa ating kuwento

Pangako mo, ingatan mo ang puso ko
Isulat mo, bagong yugto
Pag-asa ko, pag-ibig mo



Credits
Writer(s): Allan Elgar
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link