Kahit Ayaw Mo Na

Kahit ikaw ay magalit
Sa 'yo lang lalapit, sa 'yo lang aawit
Kahit na ikaw ay nagbago na
Iibigin pa rin kita, kahit ayaw mo na

Tatakbo, tatalon, 'sisigaw ang pangalan mo
Iisipin na lang, panaginip lahat ng ito

Oh, bakit ba kailangan pang umalis?
Pakiusap lang na huwag ka nang lumihis
Tayo'y mag-usap, teka lang, ika'y huminto
Huwag mo 'kong iwan, aayusin natin 'to
Daling sabihin na ayaw mo na
Pero pinag-isipan mo ba?

Lapit nang lapit, ako'y lalapit
Layo nang layo, ba't ka lumalayo?
Labo nang labo, ika'y malabo
Malabo, tayo'y malabo

Bumalik at muli ka ring aalis
Tatakbo ka nang mabilis, yayakapin nang mahigpit
Ang hirap 'pag 'di mo alam ang 'yong pupuntahan
Kung ako ba ay pagbibigyan o nalilito lang kung saan

Tatakbo, tatalon, 'sisigaw ang pangalan mo
Iisipin na lang, panaginip lahat ng ito

Oh, bakit ba kailangan pang umalis?
Pakiusap lang na huwag ka nang lumihis
Tayo'y mag-usap, teka lang, ika'y huminto
Huwag mo 'kong iwan, aayusin natin 'to
Daling sabihin na ayaw mo na
Pero pinag-isipan mo ba?

Lapit nang lapit, ako'y lalapit
Layo nang layo, ba't ka lumalayo?
Labo nang labo, ika'y malabo
Malabo, tayo'y malabo

Lapit nang lapit, ako'y lalapit
Layo nang layo, ba't ka lumalayo?
Labo nang labo, ika'y malabo, malabo

Oh, bakit ba kailangan pang umalis?
Pakiusap lang na huwag ka nang lumihis
Tayo'y mag-usap, teka lang, ika'y huminto
Huwag mo 'kong iwan, aayusin natin 'to
Daling sabihin na ayaw mo na
Pero pinag-isipan mo ba?

Kahit ikaw ay magalit
Sa 'yo lang lalapit kahit 'di ka na sa 'kin



Credits
Writer(s): Euwie Von Loria
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link