Kung Siya Ang Mahal

Bakit ba kailangan pang
Damdamin ay ilihim mo sa akin na may iba?
Kung 'di mo na ako mahal
Tatanggapin kung siya ang nasa puso, pagbibigyan kita

Kung siya ang 'yong mahal
Aminin mo nang malaman, nang 'di ako nagtatanong
Kung sino ang higit na kailangan
Kung siya ang 'yong mahal
Ay hahayaan kong ikaw ay 'di ko na makikita
Sa akin ay mabuti pa ang mag-isa

'Di ko inaasahan na
Damdamin mo sa akin magbabago, may kulang ba?
Sadyang hindi pa ba sapat?
Lahat pati na ang aking pag-ibig sa 'yo ay binigay ko na

Kung siya ang 'yong mahal
Aminin mo nang malaman, nang 'di ako nagtatanong
Kung sino ang higit na kailangan
Kung siya ang 'yong mahal
Ay hahayaan kong ikaw ay 'di ko na makikita
Sa akin ay mabuti pa ang mag-isa

Paano kaya lilimutin ang sa ating nagdaang kahapon?
Alam ko naman kung minsa'y hindi nagtatagal
Ang isang pagmamahalan katulad ng pag-ibig mo

Kung siya ang mahal
Aminin mo nang malaman, nang 'di ako nagtatanong
Kung sino ang higit na kailangan
Kung siya ang mahal
Ay hahayaan kong ikaw ay 'di ko na makikita
Sa akin ay mabuti pa ang mag-isa

Sa akin ay mabuti pa ang mag-isa



Credits
Writer(s): Mark Nievas
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link