Nang Minsan Lang

Minsan, ang awit kong ito'y pakinggan
Laging ihahatid yaong dinaanan
Ating dalawa noo'y parang iisa
'Yun ay panahong ngayon ay wala na

Minsan ay ngingiti ka ring mag-isa
Minsa'y inis at galit pa
Tulad ko'y malulungkot, may naiwan ding kirot
Sa ating puso

Kung minsan ba'y nais mong balikan
Baguhin ang lahat ng nagdaan?
Huwag marinig ang tinig kong hangal
Sambit ang ngalan mo sa magdamag

Minsan, ang awit kong ito'y pakinggan
Awit na alaala lang
Lampas-langit nagmahal sa 'yong buhay nagdaan
Nang minsan lang

Kung minsan ba'y nais mong balikan
Baguhin ang lahat ng nagdaan?
Huwag marinig ang tinig kong hangal
Sambit ang ngalan mo sa magdamag

Minsan, ang awit kong ito'y pakinggan
Awit na alaala lang
Lampas-langit nagmahal sa 'yong buhay nagdaan
Nang minsan, nang minsan lang



Credits
Writer(s): Baby Gil, Mark Nievas
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link