Tuloy Pa Rin

No-no, yeah-yeah
Mmmm
Oh, uh

Sa wari ko'y
Lumipas na ang kadiliman ng araw
Dahan-dahan pang gumigising
At ngayo'y babawi na

Muntik na
Nasanay ako sa 'king pag-iisa
Kaya nang iwanan ang
Bakas ng kahapon ko

Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin

Kung minsan ay hinahanap ang alaala ng iyong halik
Inaamin ko na kay tagal pa
Bago malilimutan ito, oh

Kay hirap nang maulit muli
Ang naiwan nating pag-ibig
Tanggap na at natututo pang
Harapin ang katotohanang ito

Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin (tuloy, tuloy)

Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin (tuloy pa rin, tuloy, tuloy)

Yo, sabi nila ang lahat ng sugat naghihilom
Ako'y nasasabik, gaano katagal 'yun?
Lalo sa tulad kong diabetic
Dahil sa sobrang tamis ng nagdaang pag-ibig?
Akala ko dati ay siya na
Masaya lagi sa kanya
Palaging patungo sa kanya ang aking mga paa
Ayaw mawalay, parte na siya ng aking pagkatao
Nu'ng nasanay, natakot na ako sa pagbabago

Dumating ang mga away, naluma ang lahat
Katotoha'y 'di abot kaya nakuhang magpanggap
Habang tumatagal lang adobo'y lalong sumasarap
Pero 'pag sobra napapanis din, 'di mo na makakagat
Kailangan ko na po ilipat ang pahina ng aklat
'Pag 'di na maganda ang katayuan kailangan na maglakad
Para lang nawala ang dala dala kong payong
Mauulanan pero muling makakasilong
Sapagkat tuloy, tuloy...

Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin (tuloy, tuloy)

Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin (tuloy, tuloy, tuloy pa rin)

Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin

Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin

Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin



Credits
Writer(s): Sixto Adolfo Rapadas
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link