Tanggap KO

Aking nararamdaman
Unti-unti na yatang lumalayo ang puso mo
Tuluyan na yatang naglaho ang iyong pangako
Tayo sa habang panahon
Ngunit sadyang ganyan lang ang pag-ibig
Ang puso mo'y mayro'ng sariling isip
Tanggap ko
Na ako'y hindi mo na mahal
Wala na 'ko sa'yo
Huwag mo lamang sanang ipagkait
Ang aking pagsinta
Aking nadarama sa'yo
Puso'y pilitin man
Muling turuang magmahal
Ika'y limutin
Ngunit ikaw pa rin
Malinaw kong dapat gawin
Masakit man 'to sa akin magpaalam
Palayain ka
Sadyang ganyan lang ang pag-ibig
Puso mo'y mayro'ng sariling isip
Tanggap ko
Na ako'y hindi mo na mahal
Wala na 'ko sa'yo
Huwag mo lamang sanang ipagkait
Ang aking pagsinta
Aking nadarama sa'yo
Ano man ang iyong dahilan
Di na kailangan pa
Lahat ay tanggap ko na
Ang tanging nais ko
Sana tuluyan nang lumigaya ka
Tanggap ko
Na ako'y hindi mo na mahal
Wala na 'ko sa'yo
Huwag mo lamang sanang ipagkait
Ang aking pagsinta
Aking nadarama sa'yo
Mahal ko
Ang aking pagsinta
Aking nadarama sa'yo
Oh hoo hoo



Credits
Writer(s): Quijano Jr. Oman
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link