Narito Ka

Habang tumatagal aking nadarama
Di maintindihang damdamin
At di ko inaasahang mahulog ang puso ko
Pag-ibig mo'y minimithi ko
Akala ko ba tayo'y magkaibigan lang?
Naguguluhan ang isipan ko
At di ko inaasahang awitin sa buhay ko
Pagmamahal na para sa'yo
Ngunit narito ka sa puso ko
Di magawang limutin ko
Mga ngiti ng labi mo
Kahit sa panaginip ko
Paligid ko'y larawan mo
Akala ko ba tayo'y magkaibigan lang?
Naguguluhan ang isipan ko
At di ko inaasahang awitin sa buhay ko
Pagmamahal na para sa'yo
Ngunit narito ka sa puso ko
Di magawang limutin ko
Mga ngiti ng labi ko
Kahit sa panaginip ko
Aking mundo'y iduyan mo
Hawak ang langit sa piling mo
Damdaming mananatili sa habang panahon
Pagkat narito ka sa puso ko
Di magawang limutin ko
Mga ngiti ng labi ko
Kahit sa panaginip ko
Paligid ko'y larawan mo
Narito ka sa puso ko
Di magawang limutin ko
Mga ngiti ng labi ko
Kahit sa panaginip ko
Aking mundo'y iduyan mo
Narito ka
Sa puso ko



Credits
Writer(s): Imperial Robyn
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link