Saan Darating Ang Umaga

Bakit pa pinagtagpo?
Pala'y maglalayo tayo sa ating buhay
Ang araw na kay ganda
Ba't nang lumisan ka ay nagdilim ang kulay?

Ang umaga'y nagtampo
Ano't kasama mo, luha ang tanging iwan
Kung siya ma'y magbabalik
Ako'y nananabik kung kailan at saan

Darating ba siyang kasama ka?
Masasalubong man lang ba kita?
Subalit ako'y mag-aalala
Kung ako ay mahal mo pa

Kahit pa ano'ng hadlang
Mananatili kang mahal sa aking tunay
May umaga man pala
Kung 'di ka niya dala, ito'y walang buhay

Subalit ako'y mag-aalala
Kung ako ay mahal mo pa

Kahit pa ano'ng hadlang
Mananatili kang mahal sa aking tunay
May umaga man pala
Kung 'di ka niya dala, ito'y walang buhay



Credits
Writer(s): George Canseco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link