Bakit

Bakit tayo nagkakaganito
hinahatak at papalayo sayo
agam-agam na 'di ko masagot
inaayos ang gusot
talinhagang 'di ko maabot

yah yahh yah
oh 'di ko akalain
yah yah yah
sinubukan mang umamin
yah yah yah
pinipilit mang sabihin
sa sariling 'di ka na magiging akin

Sabi ko sa 'king sarili na okay na okay ako
pero pagsapit ng gabi, sinong niloloko mo?
Mag-isa magdamag sa madilim na kwarto
Iniisip kung san nagkamali bakit nangyari to?

Oo ako'y nagsisi pero ako'y natuto
Hindi lahat ng pinangako, ay nagiging totoo
Ang hirap lang umusad, mga pangarap natin ay nawasak
Buti ng hindi nakatali sa leeg, at laging may humahatak

Bakit tayo nagkakaganito
hinahatak at papalayo sayo
agam-agam na 'di ko masagot
inaayos ang gusot
talinhagang 'di ko maabot

yah yahh yah
oh 'di ko akalain
yah yah yah
sinubukan mang umamin
yah yah yah
pinipilit mang sabihin
sa sariling 'di ka na magiging akin

Hirap mag-isa hindi ko na ata kaya
Gusto kitang tawagan pero alam kong ayaw mo na
Siguro ito'y ikakabuti nating dalawa
Hindi na natin kailangan na magkita pa

Mga gamit ay nandito pa sa 'ting tahanan na iyong iniwan
kapag ika'y na-mimiss, inaamoy ko ang 'yong mga damit na parang
andito parin, sa aking tabi ikaw nalang ang sumasagip
pag nilalamon na ng utak kong nag-iisip na gusto ng lumisan
Todo parin maghanda ng hapunan kahit alam naman na walang uuwi
Nakakalimutan lagi wala na pala akong babaunan tuwing sa pag-alis
Ako'y maghihintay parang asong tagabantay sa bintana
hanggang gabi humahangad baka sakaling may bumalik

Bakit tayo nagkakaganito
hinahatak at papalayo sayo
agam-agam na 'di ko masagot
inaayos ang gusot
talinhagang 'di ko maabot

yah yahh yah
oh 'di ko akalain
yah yah yah
sinubukan mang umamin
yah yah yah
pinipilit mang sabihin
yah yah yah
sa sariling 'di ka na magiging akin

Ohh
'Di ka na magiging akin
Yah yah yah



Credits
Writer(s): Emmanuel Sambayan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link