Buntala

Dito sa mundong ito, bahaghari ang dahon ng mga puno
Bulaklak, 'di masasamyo
Ang malalanghap mo lang ay awit ng paruparong nagsusumamo
Uhaw sa pagsuyo

'Di ko rin naman naisip na ito pala'y isang panaginip
Walang naiinip, walang naghihintay, nasasaktan
O 'di kaya'y nagbubulag-bulagan
Walang kapalaran

Pero di-dito tayo masaya
Pero di-dito tayo nagsama
Sa panandaliang kislot ng laman
At nagbabagang pagsamba

Gigising na't aalis, kailangan nang ubusin ang apoy sa batis
Kaya bang matiis?
Sayang lang at dito ay walang pumapatak at umaagos na luha
Buntala'y mawawala

Pero di-dito tayo masaya
Pero di-dito tayo nagsama
Sa panandaliang kislot ng laman
At nagbabagang pagsamba

Pag-ibig nga ba?
Pag-ibig ba talaga
O kabulastugang buntala?

Buntala, buntala, buntala
Buntala, buntala, buntala

Pero di-dito tayo masaya
Pero di-dito tayo nagsama
Sa panandaliang kislot ng laman
At nagbabagang pagsamba



Credits
Writer(s): Alfredo Engay
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link