Taguan

Nagsimula sa asaran
Hanggang nauwi sa seryosohan
Ang pinag-uusapan at 'di na namalayan
Na dahan-dahan na binubuksan ang pintuan

Ng ating mga damdamin
Na tila may kakaibang nangyayari
'Di maipahiwatig ang ibig na sabihin
May gusto ka bang aminin?
Pero hindi mo na kailangan pa

Kasi alam mo ba na alam ko nang
May tinatago ka pero natatakot pa?
Kasi alam mo ba? Siguro alam mo na
Parehas lang naman tayong dalawa na...

Nagtatagu-taguan
Nagtatagu-taguan
Maliwanag ang buwan, ipaliwanag mo naman
Hanggang kailan tayo magbibilang?

Isa, dalawa, tatlo
Ayoko nang maglaro
'Di na naman tayo mga bata
Para itago ang tunay na nararamdaman

Pilit bang hanapin, di ko pa rin mawari
Ang ibig na sabihin, kailan ba aaminin?
At tuwing nagtitinginan ang mga mata, para bang nakakapagtaka
Nahihirapan ba na magbasa? Pero naiintindihan ko na

Kasi alam mo ba na alam ko nang
May tinatago ka pero natatakot pa?
Kasi alam mo ba? Siguro alam mo na
Parehas lang naman tayong dalawa na...

Nagtatagu-taguan
Nagtatagu-taguan
Maliwanag ang buwan, ipaliwanag mo naman
Hanggang kailan tayo magbibilang?

Kasi alam mo ba na alam ko nang
May tinatago ka pero natatakot pa?
Kasi alam mo ba? Siguro alam mo na
Parehas lang naman tayong dalawa na...

Nagtatagu-taguan
Ooh, nagtatagu-taguan
Maliwanag ang buwan, ipaliwanag mo naman
Hanggang kailan tayo magbibilang?

Nagtatagu-taguan
Nagtatagu-taguan
Maliwanag ang buwan, ipaliwanag mo naman
Hanggang kailan tayo magbibilang?



Credits
Writer(s): John Roa
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link