Feelings

Paano mo na-isip na,
Hindi ako nasasaktan?
Hindi porket sinasakyan
Ay hindi na ako nasasaktan

Kung alam mo lang (hindi mo lang nababatid)
Kung alam mo lang (kasi 'di naman ako manhid)
Kasi kung alam mo lang (ang 'di mo lang nababatid)
Kung alam mo lang (na ikaw pala itong manhid)

(Kasi kung alam mo lang) matagal ko na sinabi sa iyo na 'di ko kaya
(Kasi kung alam mo lang) kaso nga lang natatakot ako na baka sa akin mawala ka
(Kung alam mo lang) tinitiis ko nalang ang lahat kasi baka bigla mong maalala
Na tao lang ako at isa 'din na umaasa sa tunay na pag-ibig makalasa

(Kung alam mo lang) masakit kung iisipin na kailangan ko pang pilitin ka
Na sana'y iyong isipin na nakakasakit ka, pero kailangan 'kong ilihim pa
Kasi nga takot ako 'dun sa katotohanan, na baka kaya mo lang na nakakayanan
Manatili pa sa akin kasi wala kang damdaming wawasakin, pa'no iniisip mo ata na ayos lang sa akin

Tao lang ako't nasasaktan, napamamahal kaya lahat nasasakyan
Hindi porket nakangiti hindi na nasasaktan, nag-aaalala pa rin ako't nagdadamdam
'Di ko tuloy alam kung alam mong mahal kita, kasi kung alam mo 'di mo sa'kin to ginagawa
'Di mo kinakayan-kayanan ang aking damdamin na sumusugal, lahat ay tinataya

Kasi kung alam mo lang ano ang pakiramdam ng nasasaktan
Mas maiintindihan mo ang pakiramdam ng nag-mamahal
Naranasan mo na ba ang sumugal? Para sa isang relasyon nang 'di bumigay?
Ang sa'kin lang isipin mo naman ako hangga't kaya ko pang tiisin ang lahat ng ginagawa mo

Kasi kung alam mo lang, wala akong ibang maisip na idahilan
Kahit palagi mo nalang akong sinasaktan, sa isip ko napakalabo pa'rin kitang palitan
Kahit napakahirap sa'kin na ikaw ay unawain 'pag di mo ko kayang kausapin
'Di na lang ako kumikibo, hinihintay 'kong lumamig ang ulo mo pag laging nag-iinit sa'kin

'Di mo lang alam ako'y nasasaktan kapag lagi mo nalang akong ginaganyan
Manhid ka ba o 'di ka lang makaramdam kaya ang pag-mamahal ko 'di mo na masakyan
Masakit sa pakiramdam ko na kahit gan'to ako sayo, 'di naman ako nag-kulang
Pero sana bago mo sabihin sa'kin ang lahat, naging tayo pero 'di kita sinukuan (kung alam mo lang)

Kung alam mo lang, kung alam mo lang
Mga araw 'kong walang masandalan (masandalan)
'Di mo lang alam, 'di mo lang alam
Mga gabi na gusto kitang iyakan

'Di ka naman nag-alala sa'king nararamdaman
'Di mo 'man lang na-isip na ako'y nasasaktan, palagi naman
Nasanayan na ikaw ang laging pinag-bibigyan
Pilitin ko 'man ang puso ko'y di ma-apektuhan sa'yo, nandito pa'rin ako (para sa'yo)

Kung alam mo lang, kung alam mo lang
'Di mo lang alam, 'di mo lang alam
Pa'no tayo nag-kaganito?
'Di na tayo mag-kasundo

(Paano mo na-isip na) na-isip na
(Hindi ako nasasaktan?)
Hindi porket sinasakyan
Ay hindi na ako nasasaktan (hindi mo lang alam)

Ba't ba kita nakilala? (oh no)
Ba't ba kita nakasama? (woah)
Kung 'di naman ako nag-titiwala sa'yo
At okay lang sa'kin lahat ng gawin mo

Isipin mo naman uuwi ka ng umaga, bakit ngayon mo lang ba 'ko naalala? (woah)
Akala mo siguro na hindi ako umiiyak kapag mag-isa lang ako sa kama?
At tagal ko nang dinadamdam, akala mo siguro na hindi ako nasasaktan?
Sinasakyan lang kita, yeah, yeah

(Kasi kung alam mo lang) matagal ko na sinabi sayo na 'di ko kaya
(Kasi kung alam mo lang) kaso nga lang natatakot ako na baka sa akin mawala ka
(Kung alam mo lang) tinitiis ko nalang ang lahat kasi baka bigla mong maalala
(Kasi kung alam mo lang) na tao lang ako at isa 'din na umaasa sa tunay na pag-ibig makalasa

Paano mo na-isip na, (ohh, na-isip na)
Hindi ako nasasaktan? (hindi ako nasasaktan)
Hindi porket sinasakyan (sinasakyan ka lang, yeah)
Ay hindi na ako nasasaktan (hindi nasasaktan)

Kung alam mo lang (hindi mo lang nababatid)
Kung alam mo lang (kasi 'di naman ako manhid)
Kasi kung alam mo lang (ang 'di mo lang nababatid)
Kung alam mo lang (na ikaw pala itong manhid)
Kasi kung alam mo lang



Credits
Writer(s): Daryl Ruiz, Leslie Ito, Daniel Tuazon, Jan Quintana, Rodolfo Bulahan, Melvin Santos
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link