Tempura

Hindi ko alam kung pa'no napunta dito
Hindi ko alam kung 'bat umabot nang gan'to
Ang daming nagsabi na huwag nang lumapit pa

Pero sa yakap mo, ako'y naliligaw
Kahit sarili ko'y hindi na matanaw
Magkaharap tayo na sinabi mong huwag na lang

Pa'no, pa'no nalamang magkakasakitan?
Wala pang nasisimulan
Oh, bakit ayaw ilaban?
At baka sakaling pag-ibig ay matagpuan

Nakatulala't mga mata'y namumugto
May lumipas na bang isang minuto o linggo?
Sanay namang mag-isa nguni't parang ayoko na

Pa'no, pa'no nalamang magkakasakitan?
Wala pang nasisimulan
Oh, bakit ayaw ilaban?
At baka sakaling pag-ibig ay matagpuan

Sinisigaw, pilit, wala mang tinig
Sana'y makarating, sana'y 'yong marinig

Pa'no, pa'no nalamang magkakasakitan?
Wala pa'ng nasisimulan
Oh, bakit ayaw ilaban?
At baka sakaling pag-ibig ay matagpuan

Oh, pa'no? (Pa'no nalamang magkakasakitan)
At bakit? (Wala pang nasisimulan)
Oh, pa'no? (Oh, bakit ayaw ilaban?)
At bakit? (At baka sakaling pag-ibig ay matagpuan)

Hindi ko alam kung pa'no napunta dito



Credits
Writer(s): Yael Yuzon
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link