Hindi Tayo Pwede (from the movie "Indak")

Pilit nating iniwasan
Ganitong mga tanungan
At kahit 'di sigurado
Tinuloy natin ang ating ugnayan

Ngayo'y naubos na'ng kuwentuhan
Nagsimula nang magsisihan
Lahat ay parang lumabo
'Di alam kung sa'n tutungo

Sabi ko na nga ba, dapat no'ng una pa lamang
'Di na umasa, 'di naniwala

Hindi tayo pwede
Pinagtagpo pero 'di tinadhana
'Di na posible
Ang mga puso'y huwag nating pahirapan

Suko na sa laban
'Di tayo pwede

Kay bigat na ng damdamin
Bakit 'di pa natin aminin?
Dahil sa una pa lamang
Alam nating wala tayong laban

Sabi ko na nga ba, dapat no'ng una pa lamang
'Di na umasa, 'di naniwala

Hindi tayo pwede
Pinagtagpo pero 'di tinadhana
'Di na posible
Ang mga puso'y huwag nating pahirapan

Suko na sa laban
'Di tayo pwede

Hindi tayo pwede dahil una pa lang
Alam naman nating mayroong hangganan
At kahit ipilit, hanggang dito na lang
Dito na lang

Hindi tayo pwede
Pinagtagpo pero 'di tinadhana
Hindi na posible
Ang mga puso'y huwag nating pahirapan

Suko na sa laban
'Di tayo pwede



Credits
Writer(s): Carl Guevarra
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link