Panalangin

Aking sinta, nabihag mo itong puso ko
Nakita ka, aking mundo'y tila nagbago
May isang anghel, bigay ng langit, walang papalit
Maamong mukha, walang hihigit, sana nga'y iyong dinggin

Panalangin, mapasa'kin
Ang iyong ngiti, ang iyong halik
Panalangin, mapasa'kin
Ako'y sabik sa iyong lambing

Sa ilalim ng buwan, pinangako'y walang hangganan
Nawa'y ito'y bigyan ng pansin, ang aking hiling
Ng tadhana ng mga diyos, mga tala
Dahil sa'yo lamang nakita ang bukas ko

Panalangin, mapasa'kin
Ang iyong ngiti, ang iyong halik
Panalangin, mapasa'kin
Ako'y sabik sa iyong lambing

Hindi alintana ang tanging kailangan
Tayong dalawa'y magkasama
Sa hirap at ginhawa
Sa lungkot at ligaya

Dahil ako'y naniwala
Dahil sa'yo nagtiwala
Aking panalangin
Sinagot na nila, ah

Panalangin, mapasa'kin
Ang iyong ngiti, ang iyong halik
Panalangin, mapasa'kin
Ako'y sabik sa iyong lambing

Aking sinta, nabihag mo itong puso ko



Credits
Writer(s): David Bhen Emmanuel Galang
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link