Sino (feat. Abaddon & Smugglaz)
Sino sa atin ang dapat sisihin
Sino sa atin ang dapat ibitin nang patiwarik
Dahil ang kasagutan ay 'di makikita sa iba
At ang pananagutan kung minsa'y sa bida
Halika titigan natin ang salamin
Kaibigan bakit 'di natin subukang harapin
At ang mga katanungan ay ating sagutin
At ang gusot ay malunasan at tuluyang malaman mo
Kung sino ang tunay na salarin
O sino ba ang salarin
Kung bakit ang higaan mo'y walang sapin
Mga pingga'y walang laman at hardin mo'y walang tanim
Sinong dapat sisihin, sampalin at sakalin
Kung bakit sa dapat na patutunguhan mo ay 'di ka makarating
Sa tuwing maiisipan mo kung bakit ka nasa dilim
Kung bakit palagi ang pakiramdam mo'y nahuhulog ka sa bangin
At sa tuwing walang sino man ang nand'yan para pakinggan ang iyong daing
'Wag mo sanang masamain
Subukan mo ang pananaw mo ay baliktarin
Bakit 'di mo tanungin ang iyong sarili sa harap ng salamin
Para maintindihan mo nang mabuti yung ayaw mong intindihin
Isa kang halimbawa ng taong walang kapintasan at laging napaka galing
Ikaw ba ang biktima o s'yang dapat ibigti na salarin
Takot ka bang tanggapin ang ayaw mong harapin na ikaw ay mali
Bakit hindi ituwid mga katwiran mo bago pa mahuli aking kapatid
Kailan mo ba mababatid sa iyong sarili ikaw din mismo ang sisira
'Di mo ba nakikita kahit walang ilaw ay napakalinaw ikaw ang halimaw sa...
Salamin

Kung sino ang...
Marami ang tama, maraming mali
Mga ayaw mong makita ang s'yang ikinukubli
Sino ang tama, sinong mali
Tandaan na ang buhay natin dito sa lupa tayo'y mistulang binhi
Suklay ng buhok, pulbos sa mukha
Madami ang bagay na 'di halata
'Pag iba ang tumingin hindi naman malubha
Pero sa ating sarili, hindi makakaila
Tulala sa harap ng salamin at aking tinitigan ng maigi
Kahit na walang imik ang repleksyon kung may lamat ang hinararap na tila ba pipi
Sa sala sinimulan na mawili, aking inuusisa sa sarili
Kung ano bang tunay na ibig sabihin talaga ng "Huli na para mag sisi"
Ano daw andidito ka ba, o ang hanap lang ay masisisi mo aba
Kita mo ba na may muta ka at puwing kung hindi mo pansin ay may piring ka sa mata
Hoy, gising na kaya baka 'di ka makatawa
Sino kaya ang sasabihin mong tanga
'Pag nalaman mo na ang iyong mga pagkadapa'y pagkatisod lang sa sarili mong paa
Asahan na dapat lagi kang handa sa karma ng bawat maling nagawa
Mga basurang tinapon mo noon ay inagos ngayon pabalik lang bangka, mapait, mapakla
'To ang sadya, lasa ng katotohanan
Minsan ang sariling 'kala mong kakampi madalas ang tunay na kalaban
Harapin ang pananagutan ano man ang dulot sa'kin sa'yo
Kahit na makalusot din ako sa mga gusot mong sinalo
Kaya naman lungkot ang tinamo
'Pagkat ang baluktot hindi talo
Sapagkat sa mundo sa erang ito dapat lang na buntot mo hila mo
Mali ng iba ay 'wag mong tignan
Hindi mo dapat ituring na katatawanan
Lahat ng kaya ay matatapatan
Pagdating sa huli lahat tayo ay papalitan

Credits
Writer(s): Aristotle Pollisco, Bryan Lao, Malubay, Venzon O
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
© 2024 All rights reserved. Rockol.com S.r.l. Website image policy
Rockol
- Rockol only uses images and photos made available for promotional purposes (“for press use”) by record companies, artist managements and p.r. agencies.
- Said images are used to exert a right to report and a finality of the criticism, in a degraded mode compliant to copyright laws, and exclusively inclosed in our own informative content.
- Only non-exclusive images addressed to newspaper use and, in general, copyright-free are accepted.
- Live photos are published when licensed by photographers whose copyright is quoted.
- Rockol is available to pay the right holder a fair fee should a published image’s author be unknown at the time of publishing.
Feedback
Please immediately report the presence of images possibly not compliant with the above cases so as to quickly verify an improper use: where confirmed, we would immediately proceed to their removal.