Laban

Sa pagmulat ng iyong mga mata
Buong mundo ang 'yong nakikita
Mga problema sayo'y nakatawa
Nag-aabang kung kalian maitutumba

Ikilos ang mga paa
Harapin mo ang umaga
Huwag basta magpapadala
Isipin lagi na may karamay ka

Nandito lang ako
Handang umakay sa iyo

Lumaban ka, Bumangon ka
Kinabukasan ay nasa iyong kamay
Kumilos na, Umahon ka
Ang pag-asa sayo'y naghihintay

Sa mundong ginagalawan kailangan mong maging matibay
Gawing bakal ang sarili sa pagsubok ay masanay
At wag kang mag papa-apekto sa sinasabi ng iba
Puso mo ang yong sundin dahil yan ang mahalaga
Dahil ang oras ay ginto yan ang dapat mo na isipin
At pahalagahan ang mga bagay na susulitin
Kahit na meron balakid na sa iyo'y nakahadlang
Patuloy sa paghakbang wag kalang mag papalinlang
Maniwala kalang kaya mo yan harapin at malampasan
Problema na pinapasan sa huli ay gagaan
Bumangon at lumaban ka imulat ang mga mata
Kumilos at mangarap ipakita mo na kaya pa
Kahit na anong pagsubok sa huli ay makakaya pa!
Kahit na anung mangyari ay lalaban at lalaban ka!
Diyos ating sandata maniwala't magtiwala ka!
Sabay-sabay na isigaw na tayong lahat ay may Pag-asa pa!

Nandito lang ako
Handang umakay sa iyo

Lumaban ka, Bumangon ka
Kinabukasan ay nasa iyong kamay
Kumilos na, Umahon ka
Ang pag-asa sayo'y naghihintay

Tara kapatid tayo na't sumama magkaisa at ipakita
Na makakaya ang lahat ng mga imposible mong inaakala
Makikita mo sa mga mata maririnig mo sa bawat paghinga
Ng bawat elementong nakapaligid sa mundo ganyan ka halaga
Ang langit lumiliwanag ang mundo'y walang katulad
Kumilos ka't magporsege pangarap mo'y matutupad
Ipakita sa lahat na kaya mo harapin ang paghamon nitong mundo
Lumaban ka't bumangon ako'y sasabay sayo

Kumapit ka (Kumapit ka!), Manalig ka (sa Itaas!)
Magtiwala at Diyos ang 'yong gabay (Laban!)
Mangarap ka, Magsikap ka
Abutin at lasapin at abutin at lasapin
Ang tagumpay



Credits
Writer(s): Jan Gharner Narciso
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link