Muling Ibalik

Kung kailan pang wala ka na, bumuhos ang ulan
Ngayo'y lumuluha, walang katapusan
Kung pwede lang maramdaman muli ang 'yong yakap
Pawiin ang gulo sa puso ko

(Laging pangarap) Mahagkan kang muli
(Laging dasal) Sana

Muling ibalik ang puso ko sa puso mo, whoa-whoa
Pakiusap lang sana
Muling ibalik ang dati mong pagmamahal, ooh-whoa, ooh

'Di man lang kita kapiling
Bahagi ka pa rin ng aking mundo, ooh
Sa ayaw at gusto, 'di na magbabago, ako'y iyong-iyo
Hangga't hindi humihinto ang tibok ng puso ko

(Laging pangarap) Mahagkan kang muli
(Laging dasal) Sana

Muling ibalik ang puso ko sa puso mo, whoa-whoa
Pakiusap lang sana
Muling ibalik ang dati mong pagmamahal, ooh-whoa, whoa-ooh-ooh

Laging pangarap, mahagkan kang muli
Laging dasal, sana

Muling ibalik ang puso ko sa puso mo, whoa-whoa
Pakiusap lang sana
Muling ibalik ang dati mong pagmamahal, ooh-whoa, whoa-ooh-ooh

Muling ibalik ang puso ko sa puso mo, whoa-whoa
Pakiusap lang sana
Muling ibalik ang dati mong pagmamahal, ooh-whoa, whoa-ooh, ooh-whoa

Oh-oh-oh-whoo
Ooh-ooh



Credits
Writer(s): Mike Luis
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link