Boy

Boy ano, basketball?
Neknek mo, gabi na!
Bakit? Duwag ka?

Sarap ng tulog ko, so peaceful
May sumipa sa pinto, may dalang mga pistol
Cops wanna pop us like we're pimples
But we're people, repeat the ritual
Kahit handang sumuko, pinutok agad
Pagkatutok, 'yon ang utos ng pinuno
Mga naka-all black, pati masks

Pasensya na kung naka-olaps, nanghoholdap talaga
Naglalakad na nag-sosocial media na tanga
Pagka-like ng pic, tinutukan ko ng ice pick
Napaihi sa mata, "Amin na relo mong init sa mata"
Sabi niya, "Kuya, kakabili ko lang kanina"
I don't give a fuck, akin na

Pamilya ko walang kakainin, kanin na inuulam sa asin
Bigay mo na, bago kita sapakin
Pagkapera, 'lam ko na agad ang gagawin
Doon sa 'di mahangin, mata, lakas-titig na

O kaya'y mantritrip, kakaiba, kalas-buo ng mga makina
'Yung pader ng kapitbahay, laging humaharang sa akin ha
Tulog na rin sila, pwede 'tong wasakin na
S'yempre pagkapasok, gamit n'yo ay akin na

Watchlist at hitlist nasa isang pahina
Nakahiga't basa na sa pula
Huli kong panaginip 'yun pala
One by one ko lang naiwan sa ina
One by one lang naiwan ko, 'tang ina

Hoy, boy, alam mo ba usap-usapan sa 'min
'Wag pakalat-kalat, baka damputin ka sa ilalim
Mahirap na 'pag napuwing ka
'Wag kang kakaba-kaba, baka mauling ka

Kala mo lotto kung mamili ng panalo
Tumbang preso ang laro, ika'y pamato
Sabi ko sa 'yo, 'wag kang pakalat-kalat d'yan
Kasi 'pag sinumpong ang kupal, baka mapaglaruan

Kapit sa patalim
Galaw pailalim
Umaasang maitawid
Ang gutom ko gabi-gabi

Kayod-kalabaw
'Di baleng ako'y uhaw
Sardinas laman ng plato
Kahit dami nang ampao ang naipon

Madumi palad, pero malinis paglikom
Baka nagkamali ka lang
Naku, hindi po
Ako 'yon, biglang nagtikom ang labi
Nagising, katabi ko, ginawang hipon

Bakit sa dami-dami
Tanong ko lagi, "Bakit?"
Mag-ingat sa pagduro, ang nuno, dilat palagi
Pulot-pukyutan ng hudas, mga sabik humarit
Ako 'yung pawis, pero parang sila 'yung nakagamit

Narinig ko 'yung sirena
Naku, and'yan na sila
Nakasuot nga ng asul
Pero may mantsa ng pula
'Di mo ba ako kilala?
Alyas "Silva" nga pala
Tinapon lang sa Pasay
Pero sa impyerno dinala

'Tang inang pulis, ano ang aking kasalanan?
'Wag n'yo nga 'kong bino-"boy", mayro'n akong pangalan
Bakit 'yung iba, napakilala nang husto?
'Di man lang ginalang ang aking pagiging tao

Alyas "Mata" nga ika daw nang inyo na tawagin
Dahil nakatungo at masama tumingin
Edad kwarenta'y singko tulad ng iyong baril
Kaya pinutok kasi 'di agad nagpasiil

Ano ba'ng hawak n'yong pruweba laban sa 'kin
Kung aking boses, sa inyo'y pagsisinungaling?
'Di naman manlalaban, wala 'kong patalim
Bakit ba ang hilig n'yo mantrip d'yan sa madilim?

Ni magnakaw nga, 'di ko kayang sikmurain
Sa tingin n'yo ba na kaya ko iyong gawin?
Namalik-mata, hindi mo na akalain
Kasalanan na pala mapagkamalang adik

'Di ba tulak-tulak ang inyong tinitimbog?
Porket sa lansangan lang lumaki at nahubog
Bakit pinapatay pwede naman na ikulong ang salot sa bayan?
Nasa'n na ba'ng katarungan?

Sa ngayon, ang hustisya ay nabibili
Aking buhay, sa inyo ko pa lilimusin
Alipustahin, papaslangin n'yo lang ang taumbayan
'Di ba kayo binabayaran?

Boom! Shock attack! Tatlong boy na batak
Na raw ang natutumba ng mga kupal na parak
Sa may amin sa Linggo, baka raw pagkalito
Ani Kap, mukhang nakatumbok sa akin 'to

Animo eenie, meenie, minie, mo ang bira
Mga may alyas na iisa, inisa-isa
Basta ba't matuluyan, tunay na nakalista?
Damay-damay na kahit pa walang matira

Tira-tirang pagkain, sira-sirang tirahan
May takot pang tirahin ng mga siga-sigaan
Gawa-gawang hidwaan dagdag sa mga pasakit
Tulak ng kahirapan kaya napapagamit

Bakit? Trabahong atang sa 'min kakayanin ba
Ng puyat, gutom na katawan upang mainda?
Hindi naman sa pagpapalusot
Kabuhayan nga, patayan na, patayan pa sagot?

Kamalian ba'y maitatama ng kamalian?
Mga mamamatay-adik, adik sa kapangyarihan
Bullet sa listahan, cash sa sobre
Timbangan ng batas, nawawala na sa korte

Wala nang posas-posas
Dapat ka bang matodas?
Namamasada lang naman nang beinte-kwatro oras

Sobra na sila, kailangan nang mag-alsa
Balutan ng mag-anak, malayo sa pangamba



Credits
Writer(s): Mark Allen
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link