Andiyan

Minsan naiisip ko parang pasan ko ang mundo
Tanong ko sa sarili ko, dapat na bang sumuko?
Kailangan bang pilitin kong baguhin ang sarili ko?
Ayon sa paligid ko, sa isip ay gumugulo

Naliligaw, napapasigaw
Nais nang bumitaw, pero 'di ka bumitaw
Naliligaw, napapasigaw
Nais nang bumitaw, pero 'di ka bumitaw

Sa tuwing ako'y nangangapa sa dilim
At nangangambang baka hindi ko na
Masisilayan ang liwanag
Ay 'andiyan ka para iparamdam na
'Di ko kailangan harapin ang bukas ng mag-isa

Buti na lang at
Buti na lang at 'andiyan ka
Buti na lang at
Buti na lang at 'andiyan ka
Buti na lang at
Buti na lang at 'andiyan ka
Buti na lang at 'andiyan ka

Biglaan na naisip ko
Nu'ng sandaling masilip ko
Ang tunay na halaga ng buhay
Na 'di kayang tumbasan ng mundo
At 'yun ay ang pag-ibig
Nagbibigay ng himig
Alay ko aking tinig tanging sa 'yo

Naliligaw, napapasigaw
Nais nang bumitaw, pero 'di ka bumitaw
Naliligaw, napapasigaw
Nais nang bumitaw, pero 'di ka bumitaw

Sa tuwing akoy nangangapa sa dilim
At nangangambang baka hindi ko na
Masisilayan ang liwanag
Ay 'andiyan ka para iparamdam na
'Di ko kailangan harapin ang bukas ng mag-isa

Buti na lang at
Buti na lang at 'andiyan ka
Buti na lang at
Buti na lang at 'andiyan ka
Buti na lang at
Buti na lang at 'andiyan ka
Buti nal ang at 'andiyan ka



Credits
Writer(s): John Roa, Miguelito Naguit
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link