Larawan Mo

Natapos na ang pahinga, ngiti pa rin ang dulot sa 'king mukha
Lumisan ka, pinili s'ya, ang mahalaga'y masaya ka
Nalulumbay habang ika'y nakatingin sa kanya
Mahal kita, mahal mo s'ya, paano ba?

Maging init ang lamig, maging umaga ang gabi
Kung taliwas ang lahat, mananatili sa 'yong tabi
'Di man makita ang buwan at dumilim ang kalangitan
Asahan mo, sa puso ko, larawan mo'y pasan
Larawan mo'y pasan

Nais na may mapatunayan, para sa 'yo'y may ipagyabang
Ito lang ang tanging paraan upang ako'y iyong pahalagahan
Baka sakali lang naman, ako'y iyong pagbigyan
Ayoko lang naman ako'y iyong iwanan

Maging init ang lamig, maging umaga ang gabi
Kung taliwas ang lahat, mananatili sa 'yong tabi
'Di man makita ang buwan at dumilim ang kalangitan
Asahan mo, sa puso ko, larawan mo'y pasan
Larawan mo'y pasan

Nagtitiis, naghihintay, nananabik na baka sakaling
Pag-ikot ng 'sang sandali, ako naman ang iyong mapili
Mapili

Maging init ang lamig, maging umaga ang gabi
Kung taliwas ang lahat, mananatili sa 'yong tabi
'Di man makita ang buwan at dumilim ang kalangitan
Asahan mo, sa puso ko, larawan mo'y pasan
Larawan mo'y pasan

Mundo mo s'ya, langit kita, paano na?



Credits
Writer(s): Racquel Gutierrez, John Ajero Gerald, Jonn Dumagan Walter
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link