Tambalan

Sino nga bang makakapagsabi
Namamagitan sa ating mga labi
Nililito ang ating puso't isipan
Samu't-saring pagpapakialam

Nalilito na nga ako
Bakit ba pinasok tong
Dami ng humarang na walang mapupunta
Iba'y magpapadala nalang magbabaha
Ng pagbababala walang paghahanda

Anong alam nila? Upang humusga
Di naman sila, tayong dalawa
Di ka man lang ba napapalaban
Ito na nga ba ang ating kapalaran?

Ika'y dinidiktahan ng puso
Minsan ay inisip kong itigil na ito
Ngunit sa kabila ng lahat ng pagsubok
Naririto pa rin tayo pasugod

Anong alam nila?
Naghamak lumaban, tinitingala at nagbabakasali lang
Maari ba tayong dalawa ay matulungan
Ito na nga ba ang ating kapalaran?

Tinitingala, inaabangan
Tinatanong ang buwan
Hanggang kailan kaya
Tayong dalawa
Walang nanghuhusga

Anong alam nila?
Anong alam nila?

Tinitingala, inaabangan
Tinatanong ba
Hanggang kailan kaya
Tayong dalawa
Walang nanghuhusga

Tinitingala

Tinitingala, inaabangan
Hanggang kailan kaya
Tayong dalawa



Credits
Writer(s): Armi Millare, Carlos Tanada, Paul Yap, Leandro Mayor
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link