Banaag
Magmaliw man ang araw
Magtago man ang mga ilaw
Ako ay mananatili kailan pa man
Dumilim man ang mga kalsada
Mapundi man ang mga lampara
Ako ay mananatili kailan pa man
Ako ang banaag, banaag
Sa dulo ng lahat
Ako ang banaag, banaag
Sa dulo ng lahat
Tamarin man ang buwan
Mga tala'y maglaho man
Ako ay mananatili kailan pa man
Kahit mabulag ka man
O ang mundo'y gumuho man
Ako ay mananatili kailan pa man
Ako ang banaag, banaag
Sa dulo ng lahat
Ako ang banaag, banaag
Sa dulo ng lahat
Sa 'kin nagsimula, sa 'kin din babalik
Sa araw na tayo'y maging isa, ako ay nasasabik
Sapagkat ang mga kulay ng iyong buhay
Ay sinag ko lamang na hinimay-himay
At sa dulo ng lahat, ako'y iyong banaag
At ika'y magiging buo sa ilalim ng aking liwanag
Liwanag
Liwanag
Liwanag
Magmaliw man ang araw
Magtago man ang mga ilaw
Ako ay mananatili kailan pa man
Magtago man ang mga ilaw
Ako ay mananatili kailan pa man
Dumilim man ang mga kalsada
Mapundi man ang mga lampara
Ako ay mananatili kailan pa man
Ako ang banaag, banaag
Sa dulo ng lahat
Ako ang banaag, banaag
Sa dulo ng lahat
Tamarin man ang buwan
Mga tala'y maglaho man
Ako ay mananatili kailan pa man
Kahit mabulag ka man
O ang mundo'y gumuho man
Ako ay mananatili kailan pa man
Ako ang banaag, banaag
Sa dulo ng lahat
Ako ang banaag, banaag
Sa dulo ng lahat
Sa 'kin nagsimula, sa 'kin din babalik
Sa araw na tayo'y maging isa, ako ay nasasabik
Sapagkat ang mga kulay ng iyong buhay
Ay sinag ko lamang na hinimay-himay
At sa dulo ng lahat, ako'y iyong banaag
At ika'y magiging buo sa ilalim ng aking liwanag
Liwanag
Liwanag
Liwanag
Magmaliw man ang araw
Magtago man ang mga ilaw
Ako ay mananatili kailan pa man
Credits
Writer(s): Kyle Anthony George De Ocampo
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
© 2024 All rights reserved. Rockol.com S.r.l. Website image policy
Rockol
- Rockol only uses images and photos made available for promotional purposes (“for press use”) by record companies, artist managements and p.r. agencies.
- Said images are used to exert a right to report and a finality of the criticism, in a degraded mode compliant to copyright laws, and exclusively inclosed in our own informative content.
- Only non-exclusive images addressed to newspaper use and, in general, copyright-free are accepted.
- Live photos are published when licensed by photographers whose copyright is quoted.
- Rockol is available to pay the right holder a fair fee should a published image’s author be unknown at the time of publishing.
Feedback
Please immediately report the presence of images possibly not compliant with the above cases so as to quickly verify an improper use: where confirmed, we would immediately proceed to their removal.