Tindahan Ni Aling Nena

Isang araw, isang araw, isang araw

Pumunta ako sa tindahan ni Aling Nena
Para bumili ng suka
Burger, shampoo, toothpaste, toothbrush, noodles ('yun lang)
Pagbayad ko, aking nakita
Isang dalagang nakadungaw sa bintana
Natulala ako, laglag ang puso ko
Nalaglag din ang suka, burger (ay)
Pati panty ko

Napasigaw si Aling Nena
Ako naman ay parang nakuryenteng pusa (meow)
Ngunit natanggal ang hiya nang
Makita ko na nakatawa ang dalaga
Panay ang "sorry" ko
Sa pagmamadali, nakalimutan pa ang sukli ko
Pagdating sa bahay, nagalit si Nanay
Pero oks lang, ako ay inlababo nang tunay

Tindahan ni Aling Nena
Parang isang kuwentong pampelikula
Mura na at sari-sari pa ang itinitinda
Pero ang tanging nais ko ay 'di nabibili ng pera

Pumunta ako sa tindahan kinabukasan
Para makipagkilala (la-la-la-la-la)
Ngunit sabi ni Aling Nena
"Habang maaga, 'wag na 'wag ka nang umasa"
Anak n'ya'y aalis na papuntang Canada
Tatlong araw na lang ay ba-bye na

Tindahan ni Aling Nena
Parang isang kuwentong pampelikula
Mura na at sari-sari pa ang itinitinda
Pero ang tanging nais ko ay 'di nabibili ng pera

Hindi mapigil ang damdamin
Ako'y nagmakaawang ipakilala
Payag daw s'ya kung araw-araw
Mayro'n akong binibili sa tinda n'ya
Ako'y pumayag at pinakilala n'ya
Sa kanyang kaisa-isang dalaga
Ngunit nang makilala, s'ya'y tumalikod na
At iniwan akong nakatanga

Tindahan ni Aling Nena
Parang isang kuwentong pampelikula
Mura na at sari-sari pa ang itinitinda
Pero ang tanging nais ko ay 'di nabibili ng pera

Tindahan ni Aling Nena (wala, wala)
Dito nauubos ang aking pera
Araw-araw ay naghihintay (wala, wala)
(Oh, Aling Nena!) Please naman, maawa ka, ha-ha-ha



Credits
Writer(s): Buendia Ely Eleandre
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link