Gusto Kong Lumipad
May ibubulong akong isang lihim na sinabi sa akin
May dungis akong 'di maalis
Kung ako nga ay bata pa
Pahiran mo ako ng kamay na kay linis
Sino'ng Diyos ang tatawagin?
Nasaan na si Bathala? Bakit tila nawawala?
Samahan niyo akong lumipad sa pakpak kong 'di pa nakalilipad
'Pagka't ako ay bata pa
Hindi ko alam na ako'y mag-iisa
Sa gitna ng mga matang mapanghusga
Sana'y pansinin ang hiyaw ng tulad kong tila walang nakikinig
Gusto ko pang maglaro
Gusto ko pang tumalon
Gusto ko pang tumakbo
Sa liwanag ng araw, sa malinis na tubig
Magtampisaw sa ulan
Maglaro, maglaro, maglaro, maglaro
Ngayon ay gusto ko nang lumipad
Gusto ko nang maglakbay
Gusto ko nang lumisan
Gusto kong makita ang liwanag
Sa nakatakip pang mga ulap
Gusto ko ng hanging magdadala sa akin sa mga bulaklak
Alam kong nariyan lang, alam kong nariyan lang
Sa dulo ng paglalakbay
May Diyos na makikinig
Hindi na ako magtatanong pa
Kailangan ko lang ang mainit mong yakap
Gusto ko pang maglaro
Gusto ko pang tumalon
Gusto ko pang tumakbo
Sa liwanag ng araw, sa malinis na tubig
Para maglaho ang lahat ng agam-agam
Na 'di mawala-wala
Sa isang lihim na iyong inilihim
Ang lihim palang may dalang panganib
Para maglaho ang lahat ng agam-agam
Na 'di mawala-wala
Sa isang lihim na iyong inilihim
Ang lihim palang may dalang panganib
Para maglaho ang lahat ng agam-agam
Na 'di mawala-wala
Sa isang lihim na iyong inilihim
Ang lihim palang may dalang panganib
Para maglaho ang lahat ng agam-agam
Na 'di mawala-wala
Sa isang lihim na iyong inilihim
Ang lihim palang may dalang panganib
May dungis akong 'di maalis
Kung ako nga ay bata pa
Pahiran mo ako ng kamay na kay linis
Sino'ng Diyos ang tatawagin?
Nasaan na si Bathala? Bakit tila nawawala?
Samahan niyo akong lumipad sa pakpak kong 'di pa nakalilipad
'Pagka't ako ay bata pa
Hindi ko alam na ako'y mag-iisa
Sa gitna ng mga matang mapanghusga
Sana'y pansinin ang hiyaw ng tulad kong tila walang nakikinig
Gusto ko pang maglaro
Gusto ko pang tumalon
Gusto ko pang tumakbo
Sa liwanag ng araw, sa malinis na tubig
Magtampisaw sa ulan
Maglaro, maglaro, maglaro, maglaro
Ngayon ay gusto ko nang lumipad
Gusto ko nang maglakbay
Gusto ko nang lumisan
Gusto kong makita ang liwanag
Sa nakatakip pang mga ulap
Gusto ko ng hanging magdadala sa akin sa mga bulaklak
Alam kong nariyan lang, alam kong nariyan lang
Sa dulo ng paglalakbay
May Diyos na makikinig
Hindi na ako magtatanong pa
Kailangan ko lang ang mainit mong yakap
Gusto ko pang maglaro
Gusto ko pang tumalon
Gusto ko pang tumakbo
Sa liwanag ng araw, sa malinis na tubig
Para maglaho ang lahat ng agam-agam
Na 'di mawala-wala
Sa isang lihim na iyong inilihim
Ang lihim palang may dalang panganib
Para maglaho ang lahat ng agam-agam
Na 'di mawala-wala
Sa isang lihim na iyong inilihim
Ang lihim palang may dalang panganib
Para maglaho ang lahat ng agam-agam
Na 'di mawala-wala
Sa isang lihim na iyong inilihim
Ang lihim palang may dalang panganib
Para maglaho ang lahat ng agam-agam
Na 'di mawala-wala
Sa isang lihim na iyong inilihim
Ang lihim palang may dalang panganib
Credits
Writer(s): Agsunta, Segundo Matias Jr.
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
© 2024 All rights reserved. Rockol.com S.r.l. Website image policy
Rockol
- Rockol only uses images and photos made available for promotional purposes (“for press use”) by record companies, artist managements and p.r. agencies.
- Said images are used to exert a right to report and a finality of the criticism, in a degraded mode compliant to copyright laws, and exclusively inclosed in our own informative content.
- Only non-exclusive images addressed to newspaper use and, in general, copyright-free are accepted.
- Live photos are published when licensed by photographers whose copyright is quoted.
- Rockol is available to pay the right holder a fair fee should a published image’s author be unknown at the time of publishing.
Feedback
Please immediately report the presence of images possibly not compliant with the above cases so as to quickly verify an improper use: where confirmed, we would immediately proceed to their removal.