Araw-araw, Gabi-gabi

Araw-araw gabi-gabi
Ay naghihintay
Ng ligayang 'di malasap
Ng sawi kong buhay

Ba't 'di na matapos ang hirap ko
Sa gabi't araw
Hanggang kailan matitiis
Ang luhang kay pait
Sa puso'y kay sakit

Araw-araw gabi-gabi
Ay nagdarasal
Na damayan ng giliw ko
Na tanging minahal

'Pagkat ligaya na ng buhay ko
Makapiling ka lamang
Gabi't araw sa iyo'y naghihintay

Araw-araw gabi-gabi
Ay nagdarasal
Na damayan ng giliw ko
Na tanging minahal

'Pagkat ligaya na ng buhay ko
Makapiling ka lamang
Gabi't araw sa iyo'y naghihintay...



Credits
Writer(s): Willy Cruz
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link