Pakinabang

Sabi ng iba kapag ikaw ay nakilala
Babatiin ka kahit hindi mo kakilala
Lahat ng kakilala ay makakaalala
'Pag 'di ka na kilala, lahat sila wala na

Wala kang pakinabang (Pakinabang)
Sa mata ng nakinabang (Nakinabang)
Pagkatapos makinabang (Makinabang)
Wala ka nang pakinabang (Pakinabang)

Ganu'n talaga ang ugali ng iba
Minsan ay mabait kapag kailangan ka
Pero kapag nagkulang
Halos tabunan ka ng masasakit niyang mga salita

Marami na 'kong nakilala sa 'ki'y nakinabang
Kapag walang-wala ka na, 'di ka nila kailangan
Anong pag-uusapan, wala namang baryangan
'Di ka dapat magtiwala, 'yun lang ang kailangan

Napalingat ka, dapat mag-ingat ka, dapat nakadilat ka
Kasi dapat 'di ka niya, 'pag nahimas ka, lahat malilimas niya
Lahat ng kilos mo nakikita niya kahit pa umiwas ka
Sa una pakitang-gilas pero sa huli 'pag ubos na, lilikas na

'Di ka na, 'di ka na kailangan nu'n
'Di ba nga, sabi niya, "Anong pakinabang nu'n?"
'Di mo na halata, napakautak nu'n
Gusto nila lagi na bagyo, ayaw nila sa ambon

Sabi ng iba kapag ikaw ay nakilala
Babatiin ka kahit hindi mo kakilala
Lahat ng kakilala ay makakaalala
'Pag 'di ka na kilala, lahat sila wala na

Wala kang pakinabang (Pakinabang)
Sa mata ng nakinabang (Nakinabang)
Pagkatapos makinabang (Makinabang)
Wala ka nang pakinabang (Pakinabang)

Sabi nila, wala kang pakinabang, 'di ka na kailangan
Kailangan daw 'yung bago, bagong magagatasan
'Yung hindi na pumapalag, laging opo ang sagot
At higit sa lahat ng 'yun, 'yung bobong 'di magtatanong

Mahabang panahon ang ginugol ko para marating ang katayuan ko
Pawis, luha, oras at patak ng dugo ang puhunan ko
Pumusta nang walang katiyakan sa larong nu'n, 'di ko alam
Hanggang sa guminhawa at ang bulsa ko ay magkalaman

Bigla niyang nakilala, tumabi na ang kumilala
Kahit na 'di ko kakilala, lahat gusto na makasama
Kahit na 'di ko kapamilya, lahat sa 'kin ay umaasa
Laging nakasahod, unahan pa sa pila, lahat gustong tumamasa

Ganyan sila pero bigay lang kasi meron pa
Ba't ngayon, biglang nag-lay low porke't bangkosero na
'Yung mga dati na linta noon, saan na napunta?
'Yan sila 'pag walang mahita sa 'yo ay tapon ka

Sabi ng iba kapag ikaw ay nakilala
Babatiin ka kahit hindi mo kakilala
Lahat ng kakilala ay makakaalala
'Pag 'di ka na kilala, lahat sila wala na

Wala kang pakinabang (Pakinabang)
Sa mata ng nakinabang (Nakinabang)
Pagkatapos makinabang (Makinabang)
Wala ka nang pakinabang (Pakinabang)

Bakit paggising ko ay wala na sila?
'Yung mga kasama ko nung marangya ang buhay
Mga kasama magsaya na nangako
Kung maghirap ay hindi mawawala

'Yan ang mga galawan ng gustong sumabay sa agos
Mabait sa harapan mo pero saksak sa likod pagtapos
Tapos, 'pag 'di mo matulungang makaraos
Bigla na silang mawawala, parang nag-snap si Thanos

Nandiyan sila 'pag meron ka, 'pag wala, naglalaho na parang bula
Nasa'n na ba napunta 'yung akala na kasangga mo
Sa hirap at ginhawa'y aaya
'Yun nandiyan nung puno pa ang bulsa at pitaka

Mga para nang imbisibol nung kita'y 'di na visible
Yung tropa mo na mawala ay para bang impossible noon
Pero ngayon, nasaan sila?
Kung umasta ay para bang 'di ka na kilala

Sabi ng iba kapag ikaw ay nakilala
Babatiin ka kahit hindi mo kakilala
Lahat ng kakilala ay makakaalala
'Pag 'di ka na kilala, lahat sila wala na

Wala kang pakinabang (Pakinabang)
Sa mata ng nakinabang (Nakinabang)
Pagkatapos makinabang (Makinabang)
Wala ka nang pakinabang (Pakinabang)

Saan ka pa lulugar sa mundo na puro boss
Handa kang bumargain, sunud-sunuran kahit inaapi nang lubos
Sa mga gusto nila na mangyari, iba ang 'yong kutob
Hindi ka pu-pwedeng umangal kahit pa ba na labag sa 'yong loob

Kasi kahit ikaw pa ay mapaos o kahit ikaw pa ay mamalat
Kailangan mo lang na sumunod, wala kang karapatang sumabat
Lalo na at hangga't ika'y mabigat, nakita nila na ikaw ay nakaangat
Hindi ka nila basta bibitawan para't sa leeg mo na nakakagat

Parang vampi-yeah, lahat ng dugo, sipsip, walang humpay
Hanggang matuyo, parang sampay tapos ipapaligpit, goodbye
Kapag sumuway, palalabasing masama sa tao
Ay wala kang utang na loob para bang sumbat ng iyong inay

Wala ka na'y at sa kanilang tanikala, pumalag ka man 'di na kinaya
Pagkatapos ka nilang pakinabangan, puro pakabig, walang itinaya
Ganyan kagaling maghugas-kamay, parang mga taong sumampalataya
Palalabasing ika'y masama para sasabihing hindi ka dinaya

Sabi ng iba kapag ikaw ay nakilala
Babatiin ka kahit hindi mo kakilala
Lahat ng kakilala ay makakaalala
'Pag 'di ka na kilala, lahat sila wala na

Wala kang pakinabang (Pakinabang)
Sa mata ng nakinabang (Nakinabang)
Pagkatapos makinabang (Makinabang)
Wala ka nang pakinabang (Pakinabang)

Yeah, ah, kala mo'y okay na kasi nakatulong ka
Binigay na'ng lahat ng gusto at ultimo luho niya
Kaso pa'no 'pag gumuho ka, 'yung wala ka nang madukot sa bulsa
Tablado ka na, may kaso ka pa, sa'n ka pupunta?

Talagang ekis kahit sa'n mo pa titigan
Ikaw pa yung huhubaran pagkatapos mong bihisan
Mga dugyot ang pagkatao, walang kalinisan
Pagkatapos magsipaglamon, plato biglang iiwan

Mga hugas-kamay lang pero hindi 'yung pinagkainan
Bawat tanong ang daming rason, ayaw mapagsabihan
Kaya malamang yari ka lalo na 'pag nagka-badtripan
Talagang ikaw ang puntirya, 'di ka na para pahagingan

Kaya mag-ingat ka lalo na 'pag madali kang makisama
Kasi maiisahan ka nila

Kaya ngayon, sinasabihan na kita
'Pag pumili ka ng kaibigan, 'wag tulad nila
'Pag may kailangan sa 'yo ay tiyak na bubulagin ka
'Pag nakuha na iiwan ka nila, 'yan ang sabi ng iba

Sabi ng iba kapag ikaw ay nakilala
Babatiin ka kahit hindi mo kakilala
Lahat ng kakilala ay makakaalala
'Pag 'di ka na kilala, lahat sila wala na

Wala kang pakinabang (Pakinabang)
Sa mata ng nakinabang (Nakinabang)
Pagkatapos makinabang (Makinabang)
Wala ka nang pakinabang (Pakinabang)



Credits
Writer(s): Archie Dela Cruz, Daryl Ruiz, James Samonte, Jon Gutierrez, Mark Maglasang, John Mangabang
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link