Hindi Katulad N'Ya

Alam mo, kung magiging akin ka
Magkausap hanggang umaga
'Di ka hahayaang mag-isa
'Di tulad n'ya

Kesyo matagal na daw sila
Kaya biglang nag-iba
'Di ba siya nahihiya sa mga nagawa
Oooh

Sana naman ay maibigay miski
Kahit simpleng sorry sa iyo, tatanggapin
Kahit na mahirap na palampasin
'Di ba ayaw mo na?

Ano ba talaga ang gusto mo?
Lahat ay kaya ibigay sa 'yo
Susuyuin ka 'pag nagtampo sa akin
Hindi katulad n'ya

Buksan ang 'yong mata
At 'yong ipakita
Ngiti mong kay ganda

Naalala mo pa ba, sabi mo 'di kayang mawala
Ang isang katulad niya na para kang tinapon
Sa kalagitnaan ng karagatan
Sapagkat 'di makahinga

Kahit alam mong sinungaling siya
'Di ko alam pa'no ka ba nabola
Kaya no'ng sinabi niyang wala na siyang pake sa'yo
Hindi na bago dahil nga nasanay na
'Di ba ayaw mo na?

Ano ba talaga ang gusto mo?
Lahat ay kaya ibigay sa 'yo
Susuyuin ka 'pag nagtampo sa akin
Hindi katulad n'ya

Buksan ang 'yong mata
At 'yong ipakita
Ngiti mong kay ganda

Andito lang ako kahit iniwan ka
Sasaluhin kita at iingatan ka

Andito lang ako kahit iniwan ka
Sasaluhin kita, aalagaan ka

Andito lang ako kahit iniwan ka
Sasaluhin kita at iingatan ka

Andito lang ako kahit iniwan ka
Sasaluhin kita, aalagaan ka



Credits
Writer(s): Eris Rosas
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link