Sa Hangin

Hindi malaman, saan na dadaan?
Kaliwa o kanan, kung sa'n na lang datnan
'Di masilayan, pikit at mararamdaman
Ihip mo na lang ang aking susundan

Sa hangin

Sa hangin

Hindi mo man napapansin
Nag-aabang lang, nagmamasid
Balang araw, kakamtin
Ang pag-ibig mong dating akin

Sa hangin, sumasabay
Sa hangin, nahihimlay
Sa hangin, tinatangay, sumasablay, umaakbay
Sa hangin, naglalakbay

Ano na nga ba ang kasagutan?
Hindi na bale, andito lang naman
Itatanong ko na lang ba sa buwan?
Oh, basta, ewan, pwedeng 'wag na lang

Sa hangin, sumasabay
Sa hangin, nahihimlay
Sa hangin, tinatangay, sumasablay, umaakbay
Sa hangin, naglalakbay

Sa hangin, sumasabay (ngumiti ka na lang sa hangin)
Sa hangin, nahihimlay (ramdamin mo na lang ang hangin)
Sa hangin, tinatangay, sumasablay, umaakbay (sumayaw ka na lang sa hangin)
Sa hangin, naglalakbay (maglakbay ka na lang sa hangin)

Sa hangin, sumasabay (ngumiti ka na lang sa hangin)
Sa hangin, nahihimlay (ramdamin mo na lang ang hangin)
Sa hangin, tinatangay, sumasablay, umaakbay (sumayaw ka na lang sa hangin)
Sa hangin, naglalakbay



Credits
Writer(s): Nicole Macapagal
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link