Kulay

La la la...

Hindi na kayang maghintay ng buhay kong wala ng kulay
Ang aking tanging suliranin ay kailan ka ba magiging akin?

Bakit nga ba sumisikat ang araw bawat umaga?
Hindi naman ako napapaligaya
Pero kahit bumabaha sa España,
Kung andyan ka'y ngiti ko'y hanggang tenga

Dami kong diskarte na akala ko ay mapapansin
Pero lagi lang sablay
Muntik na 'kong makapatay
Ano'ng silbi ng buhay ko kung wala ang 'yong kulay?

Hindi na kayang maghintay ng buhay kong wala ng kulay
Ang aking tanging suliranin ay kailan ka ba magiging akin?

San pa nga ba mapupunta ang buhay na walang lasa?
It's not enough that we should stay as mag-tropa
Pero salamat at ika'y kaibigan,
Nag-blush ka nung minsang nagkatuksuhan

Dami kong diskarte na akala ko'y may patutunguhan
Pero lagi lang mintis
Sobra ng nakakainis
Ano'ng silbi ng buhay ko kung wala ang 'yong kulay?

Hindi na kayang maghintay ng buhay kong wala ng kulay
Ang aking tanging suliranin ay kailan ka ba magiging akin?

Kinausap mo ako may aaminin kang matagal ng sikreto
Tumitibok ng sobra ang puso ko, parang masusuka na ako
Nung sinabi mong gusto mo'y iba, buhay ko'y nangitim lalo bigla

Unti-unting namamatay ang buhay kong wala ng kulay
Ang aking bagong suliranin ay kalimutan ka ng puso't damdamin

La la la...
La la la...
La la la...



Credits
Writer(s): Rosauro Garcia
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link