Huwag Ka Lang Mawawala

Sumubok na akong umibig
At magbigay ng tunay na pagmamahal
Ngunit kami ay nagkalayo
'Pagkat hindi kami magkasundo

Eto ka, bagong magmamahal
Nangangako na tayo ay magtatagal
Paano ba ang dapat kong gawin?
Sana ay pagbigyan ang aking hiling

Huwag ka lang mawawala
Kapag nariyan ka, ako'y sumisigla
Kahit hindi ko pa kaya ang magmahal
Sana sa akin ay hindi magsasawa

Puso'y ibibigay sa 'yo
Sa oras na maghilom ang sugat nito
Panahon lamang ang hinihiling sa 'yo
Sana ay pagbigyan mo ako

Huwag ka lang mawawala
Kapag nariyan ka, ako'y sumisigla
Kahit hindi ko pa kaya ang magmahal
Sana sa akin ay hindi magsasawa

Puso'y ibibigay sa 'yo
Sa oras na maghilom ang sugat nito
Panahon lamang ang hinihiling sa 'yo
Sana ay pagbigyan mo ako

Huwag ka lang mawawala, hey, yeah
Huwag ka lang mawawala



Credits
Writer(s): Ogie Alcasid
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link