Laging Naroon Ka

Kung alam ko lamang ako'y iyong iiwan
'Di na sana ako nagmahal nang lubusan
Ngunit ang puso ko ay 'di natuturuan
Tulad ng paglimot, 'yan ay 'di ko alam

Kung kaya ikaw ang aking inibig
'Yan ay kusang nadama at 'di ko pinilit
Sa katunayan nga, kahit sa panaginip
Laging naro'n ka at 'di maalis

Sana ay magbalik dahil nananabik
Madama ang init ng iyong pag-ibig
Ngunit hanggang kailan ako ay maghihintay
Sana ay sabihing 'di na magtatagal

Kung kaya ikaw ang aking inibig
'Yan ay kusang nadama at 'di ko pinilit
Sa katunayan nga, kahit sa panaginip
Laging naro'n ka at 'di maalis

Pilitin mang limutin kita
Bakit ba hindi makaya?
Ano nga bang mayro'n ka?

Kung kaya ikaw ang aking inibig
'Yan ay kusang nadama at 'di ko pinilit
Sa katunayan nga, kahit sa panaginip
Laging naro'n ka at

Kung kaya ikaw ang aking inibig
'Yan ay kusang nadama at 'di ko pinilit
Sa katunayan nga, kahit sa panaginip
Laging naro'n ka at 'di maalis

Laging naro'n ka
Pilit mang limutin ka
Laging naro'n ka



Credits
Writer(s): Saturno Federico A.
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link