Liga Ng Buhay (Barangay 143 Official Sound Track)

Ito'y aking liga, aking palabas
Ako'y pambihira kahit madalas
Bumabagsak sa lupa nang malakas
Parang bola, ako ay tatalbog pataas

Ito'y aking liga, aking palabas
Ako'y pambihira kahit madalas
Bumabagsak sa lupa nang malakas
Parang bola, ako ay tatalbog pataas

Pagmasdan ninyo, ito ang laban ko
Balang araw, 'sisigaw niyo ang pangalan ko
Hindi patataob, lakasan ng loob
'Di pabubuwag, 'di papatalo

Aabutin hanggang sa marating
Tagumpay sa dulo
Sa'n man makarating, dala aking galing
At apoy ng puso

Hindi ako matitinag ano mang bumangga
'Pagkat ako'y babangon sa tuwing ako ay madarapa
Dito sa liga ng buhay, whoa-whoa
Dito sa liga ng buhay, whoa-oh-oh

Sabi nila ay hindi ko kayang gawin
Masyadong mataas, hindi ko kayang abutin
Minsan, sila ay gusto ko na nga ring sagutin
Pero 'di bale na, akin na lamang tatalunin

Hindi ko kailangan makipagtalo pa diyan
Kaysa magsalita ay tatalunin ko na lang
Dakdakan sa harapan ang swak na paraan
Para tumahimik ang dumadakdak sa likuran

Minsan na 'ko nadapa, pinagtawanan ng marami
Madalas bangko, para bang hindi kasali
Laging butata pero ang importante
Sa liga ng buhay, natuto rumebanse

Hindi ako matitinag ano mang bumangga
'Pagkat ako'y babangon sa tuwing ako ay madarapa
Dito sa liga ng buhay, whoa-whoa
Dito sa liga ng buhay, whoa-oh-oh

Ito'y aking liga, aking palabas
Ako'y pambihira kahit madalas
Bumabagsak sa lupa nang malakas
Parang bola, ako ay tatalbog pataas

Aabutin hanggang sa marating
Tagumpay sa dulo
Sa'n man makarating, dala aking galing
At apoy ng puso

Hindi ako matitinag ano mang bumangga
'Pagkat ako'y babangon sa tuwing ako ay madarapa
Dito sa liga ng buhay, whoa-whoa
Dito sa liga ng buhay, whoa-oh-oh

Hindi ako matitinag ano mang bumangga
'Pagkat ako'y babangon sa tuwing ako ay madarapa
Dito sa liga ng buhay (ito'y aking liga, aking palabas)
Whoa-whoa (ako'y pambihira kahit madalas)
Dito sa liga ng buhay (bumabagsak sa lupa ng malakas)
Whoa-oh-oh (parang bola, ako ay tatalbog pataas)



Credits
Writer(s): Thyro Alfaro Sheyhee, Yumi Lacsamana
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link