Kung 'Di Na Ako

Kitang-kita sa iyong mata na 'di na ako mahalaga
Ramdam ko sa 'yong mga hawak na mayro'n kang binabalak
Haplos na kay lamig, tikom na mga bibig
Wala na ba talagang pag-ibig?

Kung 'di na ako, kung 'di na ako'ng magpapatibok ng puso mo
Paalam na, paalam na
Kung 'di na ako, kung 'di na ako ang dahilan
Ayoko na tayong mahirapan pa
Paalam na

Wala na'ng init ang iyong yakap, mauudlot na ang mga pangarap
Mga halik na kay tamis, hindi man lang dumadaplis
Sana 'di na magtagal, kayanin ng dasal
Nasaan na ba ang pagmamahal?

Kung 'di na ako, kung 'di na ako'ng magpapatibok ng puso mo
Paalam na, paalam na
Kung 'di na ako, kung 'di na ako ang dahilan
Ayoko na tayong mahirapan pa
Paalam na

'Di na kita pililitin pa kung talagang ayaw mo na
Basta tandaan mo, mahal kita
Hindi ka na kailangang mahirapan pa, ako na lang
Malaya ka na

Oh, oh
Kaya pa ba? Ipaglalaban pa ba?
'Di pa nga nag-uumpisa, sumuko ka na
Nasayang ang lahat, tinapon mo na lang
Pinagsamahan nating dalawa, binalewala, oh

Kung 'di na ako, kung 'di na ako'ng nagpapatibok ng puso mo
Paalam na, paalam na
Kung 'di na ako, kung 'di na ako ang dahilan
Ayoko na tayong mahirapan pa
Paalam na



Credits
Writer(s): Agsunta
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link