Hanggang Dito

Hindi ko alam kung pa'no napunta dito
Bakit biglang ikaw ay lumalayo?

Hanggang dito na lang ba?
Maiiwan na bang nakatago?
Sa mga alaala, ang dating 'di na maibabalik

Oh, 'di kailangang sa'kin lang ang iyong mundo
'Wag lang hayaang 'di alam sa'n 'to patungo
Aanhin pa ang mga halik
Kung ang lahat ng ito
Ay wala rin lang sa'yo

Ang dating makulay, ngayon, bakit ang labo?
Wala pang humpay ang mga pagtatalo

Hanggang dito na lang ba?
Narating na ba natin ang dulo?
Gayunpama'y umaasang magbabalik

Oh, 'di kailangang sa'kin lang ang iyong mundo
'Wag lang hayaang 'di alam sa'n 'to patungo
Aanhin pa ang mga halik
Kung ang lahat ng ito
Ay wala rin lang sa'yo

Yayakap sa akin nang walang pag-ibig
Ang dating kay init, bakit nanlamig?
Kung hanggang dito na lang
'Wag mo nang idaan
Sa kunwa-kunwarian, bakit 'di subukan
Na ang dati pang ibalik

Oh, 'di kailangang sa'kin lang ang iyong mundo
'Wag nang hayaang 'di alam sa'n 'to patungo
Aanhin pa ang mga halik

Kung ang lahat ng ito
Ay tuluyang maglalaho
Kung ang lahat ng ito
Ay bigla mong ihihinto
Kung ang lahat ng ito ay hanggang dito na lang sa iyo



Credits
Writer(s): Jan Daryl Cielo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link