Ate

Naalala ko pa nuong tayo'y mga bata pa
Ikaw sa kin nag-aalaga kapag wala si Ina
Naghahain ng pagkain sa ating lamesa
Naghihilod ng aking likod kapag ako'y madungis na
Ako'y iyong inakay tungo sa Dios na maykapal
Natutunan ko buhay nahubog ang kakayanan

Kapatid kita sa dugo
Katuwang sa buhay
Laging handang umagapay
Sa akin ay nakaalalay

Kaibigan ka rin tunay
Karamay sa ano pa man
Biyaya ka ng maykapal
Salamat sa yong pagmamahal
Tunay ako ay mapalad
At mayroon akong ATE

Naging haligi't ilaw ng ating tahanan
Bumuklod sa bawat isa di nawalan ng pagasa
Nagsumikap na umahon lumaban sa buhay
Di bumitaw sa pagsubok sandata mo'y lakas ng loob
Nangarap ka para sa akin nagtiis para sa amin
Inuna aming kailangan bago pa ang yong kaligayahan

Kapatid kita sa dugo
Katuwang sa buhay
Laging handang umagapay
Sa akin ay nakaalalay

Kaibigan ka rin tunay
Karamay sa ano pa man
Biyaya ka ng maykapal
Salamat sa yong pagmamahal
Tunay ako ay mapalad
At mayroon akong

At mayroon akong
Kapatid
Katuwang
Laging handang umagapay
Sa akin ay nakaalalay
Kaibigan
Karamay
Biyaya ka ng may kapal
Salamat sa iyong pagmamahal
Tunay ako ay mapalad at mayroon akong
ATE



Credits
Writer(s): Francisco Pascual Jr
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link