K & B

Dugo't pawis ang binuhos sa umaga pa lang
Para maging kalmado sa gabi habang naglilibang

Salamat sa mga hindi lumisan
Alam ko, nagkamali rin ako minsan
Galaw ko ngayon, akin nang pinag-iisipan
Habang pinipintahan itong blangkong papel
Demonyo na may pagkaboses-anghel
Gamit ko ay lapis, 'di na kailangan pa ng baril
Proseso ng aming utak ay hindi n'yo maiintindihan
Kung hindi n'yo kami ka-level

Hmm, nasa'n kayo noong kami'y huma-hustle?
Ngayong imperyo na ang dating kartel

Nasa'n ka no'n? (No'ng ako ay nadapa)
Nasa'n ka no'n? (No'ng ako'y walang-wala)
Nasa'n ka no'n? (Nasa'n? Nasa'n?)
No'ng ako'y nasa baba, 'di kita mahagilap

Nasa'n ka no'n? (No'ng ako ay nadapa)
Nasa'n ka no'n? (No'ng ako'y walang-wala)
Nasa'n ka no'n? (Nasa'n? Nasa'n?)
No'ng ako'y nasa baba, 'di kita mahagilap (nasa'n ka no'n?)

Kahit ang daming humahamon, patuloy bumabangon
At kahit bumaha no'n, patuloy umaahon
Walang makakapatid, tunay, habang-buhay magkakapatid
Sumubok kahit na suntok sa buwan
Tuloy lang, 'di napagod magsagwan

Sa daming naranasan, natuto na
Hindi pwedeng galit ang nauuna
'Pag bumagsak ka d'yan, daming matutuwa
Positibong mag-isip hanggang kaluluwa

Negatibo'y isantabi, simutin ang nalalabi
Positibo lang palagi, hinding-hindi nagmamalaki
Dugo't pawis ang binuhos sa umaga pa lang
Para maging kalmado sa gabi habang naglilibang

Pati pato't panabla, lahat ay tinaya
Binuhos kong lahat, hindi na tinantiya
Nalulong sa proseso, adik sa resulta
Dating hindi maintindihan, para bang reseta
No'ng tinamad silang lahat, kahit pagod ay nagsipag
'Yung iba ay naglibang habang ako ay nagtibag ng daan
Pinatag para biyahe ay panatag
Kalmado at banayad, imposible na mabasag

May sariling liga, respeto, hindi siga
Nangangating mga kamay, para bang may higad
Kulang isang araw, isuot mo ang sapatos ko
Sa dami ng diskarte, malabo nang matapos 'to
Pagmamahal sa ginagawa, hindi ka n'yan ililigaw
Lulubog o lilitaw, tama lang isisigaw
Walang sikreto dito, 'di kailangan na maglihim
Nagtanim ng puno kaya ngayon ay malilim

Negatibo'y isantabi, simutin ang nalalabi
Positibo lang palagi, hinding-hindi nagmamalaki
Dugo't pawis ang binuhos sa umaga pa lang
Para maging kalmado sa gabi habang naglilibang

Kung akala nila, hindi mo kaya iyon
Diretso lang lakad, 'wag ka nang lumingon
Madaming tanong, nakakalito
Kung pa'no makuha nasa sa iyo

Credits
Writer(s): Chester Lalinjaman
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link