'Di Na Babalik (Punk Rock Version)

Nag-iisa lang sa dilim
Iniisip na kung ano'ng dapat gawin
Binuhos na, pero ba't kulang pa rin?
Sakit, tumigil na, 'yan ang aking hiling

Alaala na tumatatak
Luha na pumapatak
Kailangan nang punasan
Ito lang ang paraan

Patuloy lang sa buhay ko, limutin ang pag-ibig mo
'Di na babalik ('di na babalik), hindi na babalik
Pilitin mang ayusin 'to, ayoko na sa piling mo
'Di na babalik ('di na babalik), hindi na babalik

Kay tagal na tiniis
Kapiling ka kahit na masakit
Ngayon, malinaw na kung bakit ka umalis
Nang makalaya na sa pait at hinagpis

Alaala na tumatatak
Luha na pumapatak
Kailangan nang punasan
Ito lang ang paraan

Patuloy lang sa buhay ko, limutin ang pag-ibig mo
'Di na babalik ('di na babalik), hindi na babalik
Pilitin mang ayusin 'to, ayoko na sa piling mo
'Di na babalik ('di na babalik), hindi na babalik

Hindi, hindi na babalik
Hindi na babalik, hindi na
Hindi na babalik, hindi na
Hindi na babalik

Hindi na, hindi na babalik
Hindi na, hindi na babalik
Hindi na, hindi na babalik
Hindi na

Patuloy lang sa buhay ko, limutin ang pag-ibig mo
'Di na babalik, hindi na babalik
Pilitin mang ayusin 'to, ayoko na
'Di na babalik, hindi na babalik

'Di na babalik, 'di na babalik
'Di na, hindi na, hindi na babalik
Hindi na babalik, hindi na babalik
Hindi na, hindi na, hindi na babalik (hindi na babalik)



Credits
Writer(s): Euwie Von Loria
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link