Kalaro

Tumakbo ka
Tumakbo na din ako
Akala ko hahabol ka
Kaya't nauna na ako papalayo sa 'yo

Ngunit nang lumingon
Ikaw ay wala doon
Ako'y nagtaka
"Ano nga ba?"

Sa ating dalawa
Sino ba ang taya?
Ikaw ba o ako?
Sino ba ang taya?
Ikaw ba o ako?

Lumapit ka
Ako'y 'yong biglang tinanong
"Para sa'n ba 'to?" Ako'y natulala
'Pagkat ang alam ko'y alam mong magkalaro tayo

Tumayo kang bigla
Puso ko'y nagitla
Nang ika'y maglaho
Mundo ko'y gumuho

Sa ating dalawa
Sino ba ang taya?
Ikaw ba o ako?
Sino ba ang taya?
Ikaw ba o ako?

Mahirap talaga pag siya'y nadapa na
At takot na ulit tumakbo
Kahit palapit sa 'yo

Huminto na tayo



Credits
Writer(s): Carren Macatangay
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link